5 Ang taong matuwid ay namumuhi sa kasinungalingan,ngunit ang salita ng masama ay nakakahiyang pakinggan.
6 Ang mabuti'y iniingatan ng kanyang katuwiran,ngunit ang masama'y ipinapahamak ng likong pamumuhay.
7 May taong nagkukunwang mayaman subalit wala naman,ngunit ang iba'y nag-aayos mahirap bagaman sila ay mayaman.
8 Ang yaman ng isang tao ay pantubos sa kanyang buhay,ngunit sa isang mahirap ito ay hindi nakababahala.
9 Ang matuwid ay tulad ng maningning na ilaw,ngunit ang masama ay lamparang namamatay.
10 Ang kapalaluan ay nagbubunga ng kaguluhan,ngunit ang pakikinig sa payo'y nagbabadya ng karunungan.
11 Ang kayamanang tinamo sa daya ay madaling nawawala,ngunit ang kayamanang pinaghirapan ay pinagpapala.