1 Ang matalinong babae ay nagtatatag ng kanyang bahay,ngunit winawasak ng isang mangmang ang sariling tahanan.
2 Ang gumagalang at sumusunod kay Yahweh ay lumalakad sa katuwiran,ngunit ang nagwawalang-bahala sa kanya ay nasa likong daan.
3 Ang bawat salita ng mangmang ay may katumbas na parusa,kaya ang matalino'y nag-iingat sa mga salita niya.
4 Kung saan walang baka, ang kamalig ay walang laman,datapwat sa maraming baka, sagana ang anihan.
5 Ang tapat na saksi'y hindi magsisinungaling,ngunit pawang kabulaanan ang sa saksing sinungaling.
6 Ang mangmang ay nag-aaral pero hindi matuto,ngunit madaling maturuan ang taong may talino.