12 May daang matuwid sa tingin ng tao,ngunit kamatayan ang dulo nito.
13 Sa gitna ng ligaya maaaring dumating ang kalungkutan,ngunit ang kaligayaha'y maaaring magwakas sa panambitan.
14 Pagbabayaran ng tao ang liko niyang pamumuhay,ngunit ang gawa ng matuwid ay gagantimpalaan.
15 Pinaniniwalaan ng mangmang ang lahat niyang mapakinggan,ngunit sinisiyasat ng may unawa ang kanyang pupuntahan.
16 Ang taong may unawa ay lumalayo sa kasamaan,ngunit ang mangmang ay napapahamak dahil sa kapabayaan.
17 Ang taong mainit ang ulo ay nakagagawa ng di marapat,ngunit ang mahinahon ay lagi nang nag-iingat.
18 Ang taong hangal ay nag-aani ng kamangmangan,ngunit ang matalino'y nagkakamit ng karunungan.