16 Ang taong may unawa ay lumalayo sa kasamaan,ngunit ang mangmang ay napapahamak dahil sa kapabayaan.
17 Ang taong mainit ang ulo ay nakagagawa ng di marapat,ngunit ang mahinahon ay lagi nang nag-iingat.
18 Ang taong hangal ay nag-aani ng kamangmangan,ngunit ang matalino'y nagkakamit ng karunungan.
19 Ang makasalanan ay gumagalang sa mabuting tao,at makikiusap na siya'y tulungan nito.
20 Ang taong mahirap kadalasa'y tinatalikuran,ngunit ang mayaman ay maraming kaibigan.
21 Ang humahamak sa kapwa ay gumagawa ng masama,ngunit ang matulungin, ligaya ang tinatamasa.
22 Ang gumagawa ng masama ay mapapahamak,ngunit ang nag-iisip ng mabuti'y pagkakatiwalaan at igagalang.