2 Ang gumagalang at sumusunod kay Yahweh ay lumalakad sa katuwiran,ngunit ang nagwawalang-bahala sa kanya ay nasa likong daan.
3 Ang bawat salita ng mangmang ay may katumbas na parusa,kaya ang matalino'y nag-iingat sa mga salita niya.
4 Kung saan walang baka, ang kamalig ay walang laman,datapwat sa maraming baka, sagana ang anihan.
5 Ang tapat na saksi'y hindi magsisinungaling,ngunit pawang kabulaanan ang sa saksing sinungaling.
6 Ang mangmang ay nag-aaral pero hindi matuto,ngunit madaling maturuan ang taong may talino.
7 Iwasan mong makisama sa mga taong mangmang,pagkat sa kanila ay wala kang mapupulot na kaalaman.
8 Nalalaman ng matalino ang kanyang ginagawa,ngunit ang mangmang ay inaakay ng mali niyang unawa.