1 Ang malumanay na sagot, nakapapawi ng galit,ngunit sa tugong marahas, poot ay hindi mawawaglit.
2 Ang dila ng may unawa ay nagbubunga ng kaalaman,ngunit ang bibig ng mangmang ay bukal ng kahangalan.
3 Ang paningin ni Yahweh ay nakatuon sa lahat ng lugar,ang masama at mabuti ay pawang minamasdan.
4 Ang magiliw na salita ay nagpapasigla sa buhay,ngunit ang matalas na pangungusap ay masakit sa kalooban.
5 Di pansin ng mangmang ang turo ng kanyang ama,ngunit dinirinig ng may isip ang paalala sa kanya.
6 Ang tahanan ng matuwid ay puno ng kayamanan,ngunit ang masama'y nagkukulang sa lahat ng kailangan.