17 Mas masarap ang isang plato ng gulay na inihaing may pag-ibigkaysa isang matabang baka na inihaing may galit.
18 Ang mainit na ulo ay humahantong sa alitan,ngunit pumapayapa sa kaguluhan ang mahinahong isipan.
19 Ang landas ng batugan ay punung-puno ng tinik,ngunit patag na lansangan ang daan ng matuwid.
20 Ang anak na may unawa ay kaligayahan ng isang ama,ngunit ang isang mangmang ay kahihiyan ng kanyang ina.
21 Ang mga walang isip ay natutuwa sa mga bagay na kahangalan,ngunit lumalakad nang matuwid ang taong may kaalaman.
22 Ang isang balak na mabilis ay di papakinabangan,ngunit ang planong pinag-aralan ay magtatagumpay.
23 Ang matalinong pananalita ay nagdudulot ng kasiyahan,at ang salitang angkop sa pagkakataon, may dulot na pakinabang.