19 Ang landas ng batugan ay punung-puno ng tinik,ngunit patag na lansangan ang daan ng matuwid.
20 Ang anak na may unawa ay kaligayahan ng isang ama,ngunit ang isang mangmang ay kahihiyan ng kanyang ina.
21 Ang mga walang isip ay natutuwa sa mga bagay na kahangalan,ngunit lumalakad nang matuwid ang taong may kaalaman.
22 Ang isang balak na mabilis ay di papakinabangan,ngunit ang planong pinag-aralan ay magtatagumpay.
23 Ang matalinong pananalita ay nagdudulot ng kasiyahan,at ang salitang angkop sa pagkakataon, may dulot na pakinabang.
24 Sa mga marunong, ang daan ng buhay ay pataas,upang maiwasan ang daigdig ng mga patay.
25 Wawasakin ni Yahweh ang bahay ng hambog,ngunit ang tahanan ng isang biyuda ay iingatan ng Diyos.