7 Ang labi ng may unawa ay nagkakalat ng karunungan,ngunit hindi ganoon ang hangad ng isang mangmang.
8 Kasuklam-suklam kay Yahweh ang handog ng masama,ngunit sa panalangin ng matuwid siya ay natutuwa.
9 Sa gawaing masama, si Yahweh ay namumuhi,ngunit kanyang minamahal ang sa katuwiran lumalagi.
10 Ang gumawa ng masama ay tatanggap ng parusa,at tiyak na mamamatay ang ayaw ng paalala.
11 Kung paanong ang daigdig ng mga patay ay hayag kay Yahweh,ang laman ng puso sa kanya'y di maikukubli.
12 Ayaw mapagsasabihan ang mga palalo,at sa matatalino'y di hihingi ng payo.
13 Ang taong masayahin ay laging nakangiti,ngunit ang may lumbay ay wari bang nakangiwi.