1 Ang mga balak ng isipan ay sa tao nagmumula,ngunit mula kay Yahweh ang sagot ng dila.
2 Ang akala ng tao ay tama ang kanyang kilos,ngunit sa tunay niyang layon, si Yahweh ang nakatatalos.
3 Ipagkatiwala mo kay Yahweh ang iyong mga gagawin,at magtatagumpay ka sa lahat ng iyong mga layunin.
4 Lahat ng nilalang ni Yahweh ay mayroong kadahilanan,at ang masasama, kaparusahan ang kahihinatnan.