1 Ang mga balak ng isipan ay sa tao nagmumula,ngunit mula kay Yahweh ang sagot ng dila.
2 Ang akala ng tao ay tama ang kanyang kilos,ngunit sa tunay niyang layon, si Yahweh ang nakatatalos.
3 Ipagkatiwala mo kay Yahweh ang iyong mga gagawin,at magtatagumpay ka sa lahat ng iyong mga layunin.
4 Lahat ng nilalang ni Yahweh ay mayroong kadahilanan,at ang masasama, kaparusahan ang kahihinatnan.
5 Kinamumuhian ni Yahweh ang lahat ng mayayabang,at sila'y tiyak na paparusahan.
6 Katapatan kay Yahweh, bunga ay kapatawaran,ang sa kanya'y gumagalang at sumusunod, malayo sa kasamaan.