2 Ang akala ng tao ay tama ang kanyang kilos,ngunit sa tunay niyang layon, si Yahweh ang nakatatalos.
3 Ipagkatiwala mo kay Yahweh ang iyong mga gagawin,at magtatagumpay ka sa lahat ng iyong mga layunin.
4 Lahat ng nilalang ni Yahweh ay mayroong kadahilanan,at ang masasama, kaparusahan ang kahihinatnan.
5 Kinamumuhian ni Yahweh ang lahat ng mayayabang,at sila'y tiyak na paparusahan.
6 Katapatan kay Yahweh, bunga ay kapatawaran,ang sa kanya'y gumagalang at sumusunod, malayo sa kasamaan.
7 Kung ang buhay ng tao ay kalugud-lugod kay Yahweh,maging ang mga kalaban, sa kanya'y makikipagbati.
8 Ang maliit na halaga buhat sa mabuting paraanay higit na mabuti sa yamang buhat sa kasamaan.