3 Dinadalisay sa apoy ang ginto at pilak,ngunit sa puso ng tao'y si Yahweh ang sumisiyasat.
4 Ang taong masama ay nakikinig sa payo ng masama,at ang sinungaling ay sumusunod sa baluktot na dila.
5 Ang nanlalait sa mahirap ay humahamak sa Maykapal,at ang nagagalak sa kapahamakan ng iba'y mayroon ding pananagutan.
6 Ang mga apo ay putong ng katandaan;ang karangalan ng mga anak ay ang kanilang magulang.
7 Ang pinong pananalita ay di mahahanap sa mangmang,ni ang kasinungalingan sa taong marangal.
8 Sa paniwala ng iba ang suhol ay parang salamangka;kaya lahat ay makukuha kung may pansuhol ka.
9 Ang pagpapatawad sa kapwa ay nagpapasarap sa samahan,ngunit ang pagkakalat ng kahinaan ay sumisira ng pagkakaibigan.