17 Ang unang pahayag ay inaakalang tama,hangga't hindi naririnig, tanong ng kabila.
18 Ang sigalot ay maaaring malutas sa palabunutan,at mapagkasundo ang mahigpit na magkaaway.
19 Ang kaibigang nasaktan ay higit pa sa lunsod na napapaderan,ang di pagkakaunawaan ay mas matibay pa kaysa isang tarangkahan.
20 Anumang sabihin ng tao ay kanyang pananagutan,ayon sa kanyang salita siya'y gagantimpalaan.
21 Ang buhay at kamatayan ay sa dila nakasalalay,makikinabang ng bunga nito ang dito ay nagmamahal.
22 Ang mabuting maybahay ay isang kayamanan;siya'y pagpapala na si Yahweh lang ang may bigay.
23 Ang mahirap ay lumalapit sa diwa ng pakiusap,ngunit ang sagot ng mayama'y salitang mararahas.