4 Ang kayamana'y umaakit ng maraming kaibigan,ngunit ang mahirap ay tinatalikuran ng dating kasamahan.
5 Ang bulaang saksi ay tiyak na mapaparusahan,at ang sinungaling ay wala ring tatakbuhan.
6 Marami ang lumalapit sa taong mabait,at sa taong bukás-palad, lahat ay malapit.
7 Kung ang mahirap ay tinatalikuran ng mismong kapatid,wala na itong magiging kaibigan, kaninuman lumapit.
8 Ang nagsisikap matuto, sa sarili ay nagmamahal,ang nagpapahalaga sa karunungan ay magtatagumpay.
9 Ang bulaang saksi ay tiyak na mapaparusahan,at ang sinungaling ay wala ring tatakbuhan.
10 Ang masaganang pamumuhay ay di angkop sa isang mangmang;gayon din ang alipin, di dapat mamuno sa mga dugong bughaw.