7 Kung ang mahirap ay tinatalikuran ng mismong kapatid,wala na itong magiging kaibigan, kaninuman lumapit.
8 Ang nagsisikap matuto, sa sarili ay nagmamahal,ang nagpapahalaga sa karunungan ay magtatagumpay.
9 Ang bulaang saksi ay tiyak na mapaparusahan,at ang sinungaling ay wala ring tatakbuhan.
10 Ang masaganang pamumuhay ay di angkop sa isang mangmang;gayon din ang alipin, di dapat mamuno sa mga dugong bughaw.
11 Ang kahinahunan ay nagpapakilala ng katalinuhan,ang pagpapatawad sa masamang ginawa sa kanya ay kanyang karangalan.
12 Ang poot ng hari ay parang leong umuungal,ngunit ang kanyang paglingap ay parang hamog sa halaman.
13 Ang anak na hangal ay kasawiang-palad ng kanyang ama,at tila ulang walang tigil ang bibig ng madaldal na asawa.