1 Aking anak, ang mga pangaral ko ay dinggin mo,at ang aking mga utos, ingatan nga at sundin mo.
2 Ang pakinig mo'y ibaling sa wastong karunungan,at ito ay isipin nang iyong maunawaan.
3 Pagsikapan mong hanapin ang tunay na kaalaman,pang-unawa'y pilitin mong makita at masumpungan.
4 Kung ito ay parang pilak na iyong hahanapin,at tulad ng ginto, na iyong miminahin,
5 malalaman mo kung ano ang kahulugan ng paggalang at pagsunod kay Yahweh,at matatamo ang kaalaman tungkol sa Diyos.