4 Ang taong tamad sa panahon ng tanimanay walang magagapas pagdating ng anihan.
5 Tulad ng tubig na malalim ang isipan ng isang tao,ngunit ito'y matatarok ng isang matalino.
6 Sinasabi ng bawat isa na siya ay tapat,ngunit kahit kanino sa kanila'y hindi ka nakakatiyak.
7 Kung ang isang ama'y namumuhay sa katuwiran,mapalad ang mga anak na siya ang tinutularan.
8 Sa pagluklok ng hari upang igawad ang kahatulan,walang matatagong anumang kasamaan.
9 Sino ang makakapagsabi na ang puso niya'y malinisat di namuhay sa kasamaan kahit isang saglit?
10 Ang mandarayang timbangan at mandarayang sukatan,kay Yahweh ay parehong kasuklam-suklam.