7 Kung ang isang ama'y namumuhay sa katuwiran,mapalad ang mga anak na siya ang tinutularan.
8 Sa pagluklok ng hari upang igawad ang kahatulan,walang matatagong anumang kasamaan.
9 Sino ang makakapagsabi na ang puso niya'y malinisat di namuhay sa kasamaan kahit isang saglit?
10 Ang mandarayang timbangan at mandarayang sukatan,kay Yahweh ay parehong kasuklam-suklam.
11 Kahit ang bata ay makikilala sa kanyang mga gawa;makikita sa kanyang kilos kung siya ay tapat nga.
12 Ang taingang nakakarinig at matang nakakakita,parehong si Yahweh ang siyang maylikha.
13 Matulog ka nang matulog at ika'y maghihirap,ngunit maganda ang iyong bukas kung ika'y magsisikap.