1 Mas mabuting piliin ang malinis na pangalan,kaysa pilak at ginto o anumang kayamanan.
2 Kay Yahweh ay pareho ang mayama't mahirap,pagkat siya ang may lalang sa kanilang lahat.
3 Kung may dumarating na panganib, ang matalino'y nag-iingat,ngunit di ito pansin ng mangmang kaya siya'y napapahamak.
4 Ang paggalang at pagsunod kay Yahweh at ang kapakumbabaanay nagbubunga ng yaman, buhay at karangalan.