11 Ang magiliw mangusap at may pusong dalisay,pati ang hari'y magiging kaibigan.
12 Binabantayan ni Yahweh ang mga nag-iingat ng kaalaman,ngunit di niya pinagtatagumpay ang salita ng mga mangmang.
13 Ang tamad ay ayaw lumabas ng bahay,ang idinadahila'y may leon sa daan.
14 Ang salita ng mapang-apid ay isang patibongat ang mga hindi nagtitiwala kay Yahweh ang nahuhulog doon.
15 Likas sa mga bata ang pagiging pilyo,ngunit sa pamamagitan ng palo, sila'y matututo.
16 Ang nagreregalo sa mayaman o umaapi sa mahirap para magpayamanay mauuwi rin sa karalitaan.
17 Pakinggan mo at pag-aralang mabuti ang aking mga ituturo.