16 Ang nagreregalo sa mayaman o umaapi sa mahirap para magpayamanay mauuwi rin sa karalitaan.
17 Pakinggan mo at pag-aralang mabuti ang aking mga ituturo.
18 Ito'y magdudulot sa iyo ng kaligayahan kung isasaulo mo.
19 Sinasabi ko ito sa iyo sapagkat nais kong si Yahweh ang iyong panaligan.
20 Tatlumpu ang kawikaang ito. Bawat isa ay magandang panuntunan at magdudulot ng kaalaman.
21 Ituturo nito sa iyo kung ano ang katotohanan. Sa gayon, may maisasagot ka kung may magtanong sa iyo.
22 Huwag mong samantalahin ang kahinaan ng mahihirap, ni pagmalabisan ang dukha sa harap ng hukuman.