2 Kay Yahweh ay pareho ang mayama't mahirap,pagkat siya ang may lalang sa kanilang lahat.
3 Kung may dumarating na panganib, ang matalino'y nag-iingat,ngunit di ito pansin ng mangmang kaya siya'y napapahamak.
4 Ang paggalang at pagsunod kay Yahweh at ang kapakumbabaanay nagbubunga ng yaman, buhay at karangalan.
5 Sa landas ng masama ay may tinik at mga patibong,at ang nagmamahal sa sarili ay umiiwas doon.
6 Ituro sa bata ang daang dapat niyang lakaran,at hanggang sa paglaki'y di niya ito malilimutan.
7 Ang mahirap ay nasa kapangyarihan ng mayaman,ang nangangailangan ay alipin ng nagpapahiram.
8 Ang naghahasik ng kasamaan ay mag-aani ng kamalasan,at hindi magtatagal ang kanyang kasamaan.