3 Huwag mong nasain ang pagkain ng hari, baka iyon ay pain lang sa iyo.
4 Huwag mong pagurin ang sarili sa pagpapayaman; pag-aralan mong umiwas doon.
5 Sapagkat madaling mawala ang kayamanan, ito'y simbilis ng agila sa paglipad sa kalawakan.
6 Huwag kang makikikain sa taong kuripot, ni nanasain man ang masasarap niyang pagkain.
7 Sapagkat iyon ay maninikit sa iyong lalamunan. Aanyayahan ka nga niyang kumain at uminom, ngunit hindi bukal sa kalooban.
8 Isusuka mo rin ang lahat ng iyong kinain at masasayang lang ang maganda mong sasabihin.
9 Ingatan mo ang iyong dila sa harap ng mga mangmang, hindi nila mauunawaan kahit gaano kaganda ang sabihin mo.