15 Ang tahanan ng matuwid ay huwag mong pag-isipang pagnakawan, ni gagawan ng dahas ang kanyang tinitirhan,
16 sapagkat siya'y makatatayong muli mabuwal man ng pitong ulit. Ngunit ang masama ay dagling nababagsak sa panahon ng kahirapan.
17 Huwag mong ikagalak ang pagbagsak ng iyong kaaway ni ang kanyang kapahamakan.
18 Kapag ginawa mo iyon, magagalit sa iyo si Yahweh at sila'y hindi na niya paparusahan.
19 Huwag kang maiinggit sa mga gumagawa ng masama ni tutulad sa kanilang mga gawa.
20 Ang masama ay walang kinabukasan, walang inaasahan sa hinaharap.
21 Anak, igalang at sundin mo si Yahweh, gayon din ang hari. Huwag mong susuwayin ang sinuman sa kanila