17 Huwag mong ikagalak ang pagbagsak ng iyong kaaway ni ang kanyang kapahamakan.
18 Kapag ginawa mo iyon, magagalit sa iyo si Yahweh at sila'y hindi na niya paparusahan.
19 Huwag kang maiinggit sa mga gumagawa ng masama ni tutulad sa kanilang mga gawa.
20 Ang masama ay walang kinabukasan, walang inaasahan sa hinaharap.
21 Anak, igalang at sundin mo si Yahweh, gayon din ang hari. Huwag mong susuwayin ang sinuman sa kanila
22 sapagkat bigla na lang kayong mapapahamak. Hindi ka ba natatakot sa pinsalang magagawa nila sa iyo?
23 Narito pa ang ilang mahahalagang kawikaan:Hindi dapat magtangi sa pagpapairal ng katarungan.