22 Bayuhin mang parang bigas ang isang taong mangmang, hindi rin maaalis ang kanyang kamangmangan.
23 Ang iyong mga hayop ay iyong bantayan, alagaang mabuti ang iyong kawan.
24 Di mamamalagi ang yaman, ganoon din ang mga nasa kapangyarihan.
25 Putulin muna ang dayami, saka gapasin ang damo sa parang habang hinihintay ang susunod na anihan.
26 Sa mga tupa kinukuha ang ginagawang kasuotan, at ang pinagbentahan mo ng iyong kambing ay maaaring ipambili ng bukid.
27 Ang gatas ng inahing kambing ay sa ibang kailangan, sa pagkain ng pamilya mo't mga katulong sa bahay.