9 Ang panalangin ng taong hindi sumusunod sa kautusan ay kasuklam-suklam.
10 Ang tumutukso sa mabuti upang magpakasamaay mabubulid sa sariling pakana,ngunit ang taong may tapat na pamumuhay ay magmamana ng maraming kabutihan.
11 Ang palagay ng mayaman ay marunong siya,ngunit ang mahirap na may unawa ay mabuti pa sa kanya.
12 Kapag matuwid ang nasa kapangyarihan, ang lahat ay nagdiriwang,ngunit kung ang pumalit ay masama, lahat ay nasa taguan.
13 Ang nagkukubli ng kanyang sala ay hindi mapapabuti,ngunit kahahabagan ng Diyos ang nagbabalik-loob at nagsisisi.
14 Mapalad ang taong sumusunod sa ating Diyos,ngunit ang matigas ang ulo ay mapapahamak.
15 Ang masamang hari ay tila leong mabagsikat nakakatakot na parang osong mabangis.