1 Ang taong ayaw magbago ay hindi maliligtas;ang hindi makinig ng payo ay mapapahamak.
2 Kapag matuwid ang namamahala, bayan ay nagsasaya,ngunit tumatangis ang bayan kung ang pinuno ay masama.
3 Ang nagpapahalaga sa karunungan ay nagbibigay galak sa magulang,ngunit ang nakikisama sa patutot ay nagwawaldas ng kayamanan.
4 Ang kaharian ay matatag kung ang hari'y makatarungan,ngunit ito'y mawawasak kung sa salapi siya'y gahaman.
5 Ang kunwang pumupuri sa kanyang kapwa,nag-uumang ng bitag na sa sarili inihahanda.
6 Ang masama ay nahuhuli sa sariling kasalanan,ngunit ang matuwid ay panatag, may awit ng kagalakan.