19 Ang utusan ay di matututo kung ito lang ay pagsasabihan,pagkat di niya susundin kahit ito ay maunawaan.
20 Mabuti nang di hamak ang hangalkaysa taong ang sinasabi'y hindi na pinag-iisipan.
21 Kapag ang utusan ay iyong pinalayaw,siya na ang mag-uutos pagdating ng araw.
22 Ang taong magagalitin ay laging napapasok sa gulo;laging nakikipag-away dahil sa init ng ulo.
23 Ang magbabagsak sa tao'y ang kanyang kapalaluan,ngunit ang mapagpakumbabá ay magtatamo ng karangalan.
24 Ang makipagsabwatan sa magnanakaw ay mahirap na kalagayan:Kapag nagsabi ng totoo, ipabibilanggo ng hukuman,ngunit paparusahan naman ng Diyos kapag ang sinabi'y kasinungalingan.
25 Huwag mong ikabahala ang sinasabi ng iba,magtiwala ka kay Yahweh at mapapanatag ka.