2 Kapag matuwid ang namamahala, bayan ay nagsasaya,ngunit tumatangis ang bayan kung ang pinuno ay masama.
3 Ang nagpapahalaga sa karunungan ay nagbibigay galak sa magulang,ngunit ang nakikisama sa patutot ay nagwawaldas ng kayamanan.
4 Ang kaharian ay matatag kung ang hari'y makatarungan,ngunit ito'y mawawasak kung sa salapi siya'y gahaman.
5 Ang kunwang pumupuri sa kanyang kapwa,nag-uumang ng bitag na sa sarili inihahanda.
6 Ang masama ay nahuhuli sa sariling kasalanan,ngunit ang matuwid ay panatag, may awit ng kagalakan.
7 Kinikilala ng matuwid ang karapatan ng mahirap,ngunit ito'y bale-wala sa mga taong swapang.
8 Ang buong bayan ay ginugulo ng palalo,ngunit ang galit ay pinapawi ng taong matino.