5 Ang kunwang pumupuri sa kanyang kapwa,nag-uumang ng bitag na sa sarili inihahanda.
6 Ang masama ay nahuhuli sa sariling kasalanan,ngunit ang matuwid ay panatag, may awit ng kagalakan.
7 Kinikilala ng matuwid ang karapatan ng mahirap,ngunit ito'y bale-wala sa mga taong swapang.
8 Ang buong bayan ay ginugulo ng palalo,ngunit ang galit ay pinapawi ng taong matino.
9 Kapag inihabla ng may unawa ang isang taong mangmang,ito'y hahalakhak lang at lilikha ng kaguluhan.
10 Ang mamamatay-tao ay namumuhi sa taong tapat,ngunit ang matuwid, sa kanila'y nag-iingat.
11 Kung magalit ang mangmang ay walang pakundangan,ngunit ang matalino'y nagpipigil na ang galit niya'y mahalata.