24 Sa lahat ng iyong lakad wala kang aalalahanin,at lahat ng pagtulog mo ay masarap at mahimbing.
25 Kahit hampas nitong bagyo ay dumating nang biglaan,hindi ka mababagabag tulad ng mga mangmang.
26 Pagkat tiwala kang si Yahweh ang kaagapay mo,at di niya hahayaang sa bitag ika'y masilo.
27 Ang kagandahang-loob ay huwag ipagkait sa kapwa,kung ika'y may kakayahan na ito ay magawâ.
28 Kung mayroon ka ngayon ng kanyang kailangan,huwag nang sasabihing, “Bumalik ka't bukas ibibigay.”
29 Huwag gagawan ng masama ang iyong kaibiganna sa iyo'y umaasa, at may tiwalang lubusan.
30 Huwag makikipag-away nang walang sapat na dahilan,kung hindi ka ginagawan ng anumang kasamaan.