18 May apat na bagay na di ko maunawaan:
19 Ang paglipad ng agila sa kalangitan,ang paggapang ng ahas sa ibabaw ng batuhan,ang paglalayag ng barko sa karagatan,at ang babae't lalaking nagmamahalan.
20 Ganito naman ang ginagawa ng asawang nagtataksil: makikipagtalik, pagkatapos ay magbibihis saka sasabihing wala siyang ginagawang masama.
21 May apat na bagay na yayanig sa daigdig:
22 Ang aliping naging hari,ang isang mangmang na sagana sa pagkain,
23 ang babaing masungit na nagkaasawa,at ang isang aliping babaing pumalit sa kanyang amo.
24 Sa daigdig ay may apat na maliliit na hayop ngunit may pambihirang kaisipan.