2 Pagkat tiyak na mabuti itong aking sinasabi,kaya't aking mga katuruan huwag mong isantabi.
3 Noong ako ay bata pa, nasa kupkop pa ni ama,batambata, walang malay, tanging anak nga ni ina,
4 itinuro niya sa akin at kanyang sinabi,“Sa aking mga aral buong puso kang manangan,sundin mo ang aking utos at ikaw ay mabubuhay.
5 Salita ko'y huwag mong lilimutin o tatalikuran,ang pang-unawa at karunungan, sikaping makamtan.
6 Huwag mo itong pabayaan at ika'y kanyang iingatan,huwag mo siyang iiwanan at ika'y kanyang babantayan.
7 Unahin mo sa lahat, pagtuklas ng karunungan,ito'y pilitin mong matamo kahit gaano kamahal.
8 Karununga'y pahalagahan at ika'y kanyang itataas,bibigyan kang karangalan kapag iyong niyakap.