4 itinuro niya sa akin at kanyang sinabi,“Sa aking mga aral buong puso kang manangan,sundin mo ang aking utos at ikaw ay mabubuhay.
5 Salita ko'y huwag mong lilimutin o tatalikuran,ang pang-unawa at karunungan, sikaping makamtan.
6 Huwag mo itong pabayaan at ika'y kanyang iingatan,huwag mo siyang iiwanan at ika'y kanyang babantayan.
7 Unahin mo sa lahat, pagtuklas ng karunungan,ito'y pilitin mong matamo kahit gaano kamahal.
8 Karununga'y pahalagahan at ika'y kanyang itataas,bibigyan kang karangalan kapag iyong niyakap.
9 Siya'y korona sa ulo, sakdal ganda, anong inam,at putong ng kaluwalhatian sa iyong katauhan.”
10 Makinig ka, aking anak, payo ko ay tanggapin,lalawig ang iyong buhay, maraming taon ang bibilangin.