5 Salita ko'y huwag mong lilimutin o tatalikuran,ang pang-unawa at karunungan, sikaping makamtan.
6 Huwag mo itong pabayaan at ika'y kanyang iingatan,huwag mo siyang iiwanan at ika'y kanyang babantayan.
7 Unahin mo sa lahat, pagtuklas ng karunungan,ito'y pilitin mong matamo kahit gaano kamahal.
8 Karununga'y pahalagahan at ika'y kanyang itataas,bibigyan kang karangalan kapag iyong niyakap.
9 Siya'y korona sa ulo, sakdal ganda, anong inam,at putong ng kaluwalhatian sa iyong katauhan.”
10 Makinig ka, aking anak, payo ko ay tanggapin,lalawig ang iyong buhay, maraming taon ang bibilangin.
11 Ika'y pinatnubayan ko sa daan ng karunungan,itinuro ko sa iyo ang daan ng katuwiran.