1 Aking anak, karununga'y pakinggan mong mabuti,pakinig mo ay ikiling sa aking sinasabi.
2 Sa gayo'y magagawa mo ang mabuting pagpapasya,at ang bawat sabihin mo'y kaalaman ang ibabadya.
3 Pagkat labi ng haliparot ay sintamis nitong pulot,at ang kanyang mga halik, kasiyahan nga ang dulot.
4 Ngunit pagkatapos mong magpasasa sa alindog,hapdi, kirot ang kapalit ng kaunti niyang lugod.