3 Pagkat labi ng haliparot ay sintamis nitong pulot,at ang kanyang mga halik, kasiyahan nga ang dulot.
4 Ngunit pagkatapos mong magpasasa sa alindog,hapdi, kirot ang kapalit ng kaunti niyang lugod.
5 Ang kanyang mga hakbang ay tungo sa kamatayan,daigdig ng mga patay, ang landas na hahantungan.
6 Pagkat di niya siniyasat daang patungo sa buhay,ang daan niya'y liku-liko, ni hindi niya ito nalalaman.
7 Kaya nga, aking anak, sa akin ay makinig,huwag lilimutin, salita ng aking bibig.
8 Lumayo ka sa babaing masama ang pamumuhay,ni huwag kang lalapit sa pinto ng kanyang bahay.
9 Baka dangal mo'y sirain at angkinin pa ng iba,sa kamay ng masasama ay mamatay kang maaga.