4 Ngunit pagkatapos mong magpasasa sa alindog,hapdi, kirot ang kapalit ng kaunti niyang lugod.
5 Ang kanyang mga hakbang ay tungo sa kamatayan,daigdig ng mga patay, ang landas na hahantungan.
6 Pagkat di niya siniyasat daang patungo sa buhay,ang daan niya'y liku-liko, ni hindi niya ito nalalaman.
7 Kaya nga, aking anak, sa akin ay makinig,huwag lilimutin, salita ng aking bibig.
8 Lumayo ka sa babaing masama ang pamumuhay,ni huwag kang lalapit sa pinto ng kanyang bahay.
9 Baka dangal mo'y sirain at angkinin pa ng iba,sa kamay ng masasama ay mamatay kang maaga.
10 Ang yaman mo'y uubusin ng taong di mo kilala,mga pinagpaguran mo, makikinabang ay iba.