8 Lumayo ka sa babaing masama ang pamumuhay,ni huwag kang lalapit sa pinto ng kanyang bahay.
9 Baka dangal mo'y sirain at angkinin pa ng iba,sa kamay ng masasama ay mamatay kang maaga.
10 Ang yaman mo'y uubusin ng taong di mo kilala,mga pinagpaguran mo, makikinabang ay iba.
11 Kung magkagayon, wakas mo ay anong saklap,walang matitira sa iyo kundi buto't balat.
12 Dito mo nga maiisip:“Dangan kasi'y di ko pansin ang kanilang pagtutuwid,puso ko ay nagmatigas, sinunod ang aking hilig.
13 Ang tinig ng aking guro ay hindi ko dininig,sa kanilang katuruan, inilayo ang pakinig.
14 At ngayon ay narito ang abâ kong kalagayan,isang kahihiyan sa ating lipunan.”