1 Hindi mo ba naririnig ang tawag ng karunungan,at ang tinig ng unawa'y hindi pa ba napakinggan?
2 Nasa dako siyang mataas,sa tagpuan ng mga landas;
3 nasa mga pintuan siya, sa may harap nitong bayan,nakatindig sa pagpasok at ito ang kanyang sigaw:
4 “Kayo'y tinatawagan ko, tao ng sandaigdigan,para nga sa lahat itong aking panawagan.
5 Kayong walang nalalaman ay mag-aral na maingat,at kayong mga mangmang, pang-unawa ay ibukas.
6 Salita ko ay pakinggan pagkat ito'y mahalaga,bumubukal sa labi ko ay salitang magaganda.
7 Pawang katotohanan itong aking bibigkasin,at ako ay nasusuklam sa lahat ng sinungaling.