3 nasa mga pintuan siya, sa may harap nitong bayan,nakatindig sa pagpasok at ito ang kanyang sigaw:
4 “Kayo'y tinatawagan ko, tao ng sandaigdigan,para nga sa lahat itong aking panawagan.
5 Kayong walang nalalaman ay mag-aral na maingat,at kayong mga mangmang, pang-unawa ay ibukas.
6 Salita ko ay pakinggan pagkat ito'y mahalaga,bumubukal sa labi ko ay salitang magaganda.
7 Pawang katotohanan itong aking bibigkasin,at ako ay nasusuklam sa lahat ng sinungaling.
8 Itong sasabihin ko ay pawang matuwid,lahat ay totoo, wala akong pinilipit.
9 Ito ay maliwanag sa kanya na may unawa,at sa marurunong ito ay pawang tama.