4 “Kayo'y tinatawagan ko, tao ng sandaigdigan,para nga sa lahat itong aking panawagan.
5 Kayong walang nalalaman ay mag-aral na maingat,at kayong mga mangmang, pang-unawa ay ibukas.
6 Salita ko ay pakinggan pagkat ito'y mahalaga,bumubukal sa labi ko ay salitang magaganda.
7 Pawang katotohanan itong aking bibigkasin,at ako ay nasusuklam sa lahat ng sinungaling.
8 Itong sasabihin ko ay pawang matuwid,lahat ay totoo, wala akong pinilipit.
9 Ito ay maliwanag sa kanya na may unawa,at sa marurunong ito ay pawang tama.
10 Payo ko'y pahalagahan nang higit pa sa pilak,at ang dunong, sa ginto ay huwag sanang itutumbas.