3 Katulong ay isinugo sa gitna nitong bayan,upang lahat ay abutin ng ganitong panawagan:
4 “Ang kulang sa kaalaman, dito ngayon ay lumapit.”Sa mga mangmang ay ganito ang sinambit:
5 “Halikayo't inyong kainin ang pagkain ko,at tunggain ang inuming inilaan ko sa inyo.
6 Lisanin ang kamangmangan upang kayo ay mabuhay,at ang landas ng unawa ang tahakin at daanan.”
7 Ang pumupuna sa mapangutya ay nag-aani ng pagdusta,ang nagtutuwid sa masama'y nagkakamit ng alipusta.
8 Punahin mo ang mapangutya at magagalit pa sa iyo,ngunit payuhan mo ang matalino at iibigin ka nito.
9 Matalino'y turuan mo't lalo siyang tatalino,ang matuwid ay aralan, lalago ang dunong nito.