1 Pinatanyag ng Kataas-taasang Dios si David na anak ni Jesse. Pinili siya ng Dios ni Jacob para maging hari, at sumulat siya ng magagandang awit ng Israel. Ito ang mga huling pangungusap niya:
2 “Nagsalita ang Espiritu ng Panginoon sa pamamagitan ko;ang mga mensahe niyaʼy nasa aking mga labi.
3 Sinabi sa akin ng Dios, na bato na kanlungan ng Israel,‘Ang namumuno nang matuwid at may takot sa Dios,
4 tulad ng liwanag ng araw na sumisikat sa umaga na walang maitim na ulap,na nagpapakinang sa mga damo pagkatapos ng ulan!’
5 Ganyan ang pamilya ko sa paningin ng Dios,at gumawa siya ng kasunduang walang hanggan sa akin.Maayos at detalyado ang kasunduang ito at hindi na mapapalitan.Kaya nakatitiyak ako na palagi akong ililigtas ng Diosat ibibigay niya sa akin ang lahat ng aking mga ninanais.
6-7 Ngunit ang masasamang taoʼy gaya ng matitinik na mga halaman na itinatapon.Hindi sila pwedeng kunin sa pamamagitan lang ng kamay, kailangan pa itong gamitan ng kagamitang gawa sa bakal o kahoy,at susunugin sila sa lugar na kinaroroonan nila.”
8 Ito ang mga matatapang na tauhan ni David:Si Josheb Bashebet na taga-Takemon ang nangunguna sa tatlo na matatapang na tauhan ni David. Sa isang labanan lang, nakapatay siya ng 800 tao sa pamamagitan ng sibat niya.
9 Ang sumunod sa kanya ay si Eleazar na anak ni Dodai na angkan ni Ahoa, na isa sa tatlo na matatapang na tauhan ni David. Isa siya sa mga kasama ni David na humamon sa mga Filisteong nagtipon sa Pas Damim sa pakikipaglaban. Tumakas ang mga Israelita,
10 pero nagpaiwan siya at pinagpapatay niya ang mga Filisteo hanggang sa mapagod na ang kamay niya at manigas sa pagkahawak sa espada. Pinagtagumpay sila ng Panginoon nang araw na iyon. Bumalik kay Eleazar ang mga tumakas na Israelita para kunin ang mga armas ng mga namatay.
11 Ang sumunod ay si Shama na anak ni Agee na taga-Harar. Isang araw, nagtipon ang mga Filisteo sa Lehi, at sinalakay nila ang mga Israelita sa taniman ng mga gisantes. Tumakas ang mga Israelita,
12 pero nagpaiwan si Shama sa gitna ng taniman para protektahan ito, at pinatay niya ang mga Filisteo. Pinagtagumpay sila ng Panginoon nang araw na iyon.
13 Nang panahon ng tag-ani, pumunta kay David ang tatlo niyang tauhan doon sa kweba ng Adulam. Ang tatlong taong itoʼy kasama sa 30 matatapang na tauhan ni David. Nagkakampo noon ang mga Filisteo sa Lambak ng Refaim
14 at naagaw nila ang Betlehem. Habang naroon si David sa isang matatag na kublihan,
15 nauhaw siya. Sinabi niya, “Mabuti sana kung may kukuha sa akin ng tubig na maiinom doon sa balon malapit sa pintuang bayan ng Betlehem.”
16 Kaya palihim na pumasok ang tatlong matatapang na iyon sa kampo ng mga Filisteo, malapit sa pintuang bayan ng Betlehem. Kumuha sila ng tubig sa balon at dinala ito kay David. Pero hindi ito ininom ni David, sa halip ay ibinuhos niya ito bilang handog sa Panginoon.
17 Sinabi niya, “Panginoon, hindi ko po ito maiinom dahil kasinghalaga ito ng dugo ng mga taong nagtaya ng kanilang buhay sa pagkuha nito.” Kaya hindi ito ininom ni David.Iyon ang ginawa ng tatlong matatapang na tauhan ni David.
18 Si Abishai na kapatid ni Joab, na anak ni Zeruya ang pinuno ng 30 tauhan ni David. Nakapatay siya ng 300 Filisteo sa pamamagitan ng sibat niya. Kaya naging tanyag siya katulad ng tatlong matatapang na tauhan.
19 At dahil sa siya ang pinakatanyag sa 30, naging pinuno nila siya pero hindi siya kabilang sa tatlong matatapang.
20 May isa pang matapang na tao na ang pangalan ay Benaya. Taga-Kabzeel siya, at ang ama niya ay si Jehoyada. Marami siyang kabayanihang ginawa, kabilang na rito ang pagpatay sa dalawang pinakamahuhusay na sundalo ng Moab. Minsan, kahit umuulan ng yelo, bumaba siya sa pinagtataguan ng leon at pinatay ito.
21 Bukod dito, pinatay niya ang isang napakalaking Egipcio na may armas na sibat, habang isang pamalo lang ang armas niya. Inagaw niya ang sibat sa Egipcio at ito rin ang ipinampatay niya rito.
22 Ito ang mga ginawa ni Benaya na anak ni Jehoyada. Naging tanyag din siya gaya ng tatlong matatapang na tao,
23 pero hindi siya kabilang sa kanila. At dahil siya ang pinakatanyag sa kanyang 30 kasama, ginawa siyang pinuno ni David ng kanyang mga personal na tagapagbantay.
24 Ito ang iba pang miyembro ng 30 matatapang na tao:si Asahel na kapatid ni Joab;si Elhanan na anak ni Dodo na taga-Betlehem;
25 sina Shama at Elika na taga-Harod;
26 si Helez na taga-Palti;si Ira na anak ni Ikkes na taga-Tekoa;
27 si Abiezer na taga-Anatot;si Mebunai na taga-Husha;
28 si Zalmon na taga-Ahoa;si Maharai na taga-Netofa;
29 si Heleb na anak ni Baana na taga-Netofa;si Itai na anak ni Ribai na taga-Gibea, na sakop ng Benjamin;
30 si Benaya na taga-Piraton;si Hidai na nakatira malapit sa mga daluyan ng tubig sa Gaas;
31 si Abi Albon na taga-Arba;si Azmavet na taga-Bahurim;
32 si Eliaba na taga-Shaalbon;mga anak ni Jasen;
33 si Jonatan na anak ni Shama na taga-Harar;si Ahiam na anak ni Sharar na taga-Harar;
34 si Elifelet na anak ni Ahasbai na taga-Maaca;si Eliam na anak ni Ahitofel na taga-Gilo;
35 si Hezro na taga-Carmel;si Paarai na taga-Arba;
36 si Igal na anak ni Natan na taga-Zoba;ang anak ni Haggadi;
37 si Zelek na taga-Ammon;si Naharai na taga-Beerot (ang tagadala ng armas ni Joab na anak ni Zeruya);
38 sina Ira at Gareb na mga taga-Jatir;
39 at si Uria na Heteo.Silang lahat ay 37.