1 Pinatanyag ng Kataas-taasang Dios si David na anak ni Jesse. Pinili siya ng Dios ni Jacob para maging hari, at sumulat siya ng magagandang awit ng Israel. Ito ang mga huling pangungusap niya:
2 “Nagsalita ang Espiritu ng Panginoon sa pamamagitan ko;ang mga mensahe niyaʼy nasa aking mga labi.
3 Sinabi sa akin ng Dios, na bato na kanlungan ng Israel,‘Ang namumuno nang matuwid at may takot sa Dios,
4 tulad ng liwanag ng araw na sumisikat sa umaga na walang maitim na ulap,na nagpapakinang sa mga damo pagkatapos ng ulan!’
5 Ganyan ang pamilya ko sa paningin ng Dios,at gumawa siya ng kasunduang walang hanggan sa akin.Maayos at detalyado ang kasunduang ito at hindi na mapapalitan.Kaya nakatitiyak ako na palagi akong ililigtas ng Diosat ibibigay niya sa akin ang lahat ng aking mga ninanais.
6-7 Ngunit ang masasamang taoʼy gaya ng matitinik na mga halaman na itinatapon.Hindi sila pwedeng kunin sa pamamagitan lang ng kamay, kailangan pa itong gamitan ng kagamitang gawa sa bakal o kahoy,at susunugin sila sa lugar na kinaroroonan nila.”
8 Ito ang mga matatapang na tauhan ni David:Si Josheb Bashebet na taga-Takemon ang nangunguna sa tatlo na matatapang na tauhan ni David. Sa isang labanan lang, nakapatay siya ng 800 tao sa pamamagitan ng sibat niya.