23 Matapos isilang si Nahor, nabuhay pa si Serug ng 200 taon at nadagdagan pa ang mga anak niya.
24 Nang 29 taong gulang na si Nahor, isinilang ang anak niyang lalaki na si Tera.
25 Matapos isilang si Tera, nabuhay pa si Nahor ng 119 na taon at nadagdagan pa ang mga anak niya.
26 Nang 70 taong gulang na si Tera, isinilang ang mga anak niyang lalaki na sina Abram, Nahor at Haran.
27 Ito ang salaysay tungkol sa pamilya ni Tera:Si Tera ang ama nina Abram, Nahor at Haran. Si Haran ang ama ni Lot.
28 Namatay si Haran doon sa Ur na sakop ng mga Caldeo, sa lugar mismo kung saan isinilang siya. Namatay siya habang buhay pa ang ama niyang si Tera.
29 Naging asawa ni Abram si Sarai, at si Nahor ay naging asawa ni Milca. Ang ama ni Milca at ng kapatid niyang si Isca ay si Haran.