26 Nang 70 taong gulang na si Tera, isinilang ang mga anak niyang lalaki na sina Abram, Nahor at Haran.
27 Ito ang salaysay tungkol sa pamilya ni Tera:Si Tera ang ama nina Abram, Nahor at Haran. Si Haran ang ama ni Lot.
28 Namatay si Haran doon sa Ur na sakop ng mga Caldeo, sa lugar mismo kung saan isinilang siya. Namatay siya habang buhay pa ang ama niyang si Tera.
29 Naging asawa ni Abram si Sarai, at si Nahor ay naging asawa ni Milca. Ang ama ni Milca at ng kapatid niyang si Isca ay si Haran.
30 Si Sarai ay hindi magkaanak dahil siyaʼy baog.
31 Umalis si Tera sa Ur na sakop ng mga Caldeo. Kasama niya ang anak niyang si Abram, ang kanyang manugang na si Sarai, at ang apo niyang si Lot na anak ni Haran. Papunta sana sila sa Canaan, pero pagdating nila sa Haran doon na lamang sila tumira.
32 Doon namatay si Tera sa edad na 205.