31 Dahil sa sumpaan nila, ang lugar na iyon ay tinawag na Beersheba.
32 Pagkatapos ng sumpaan nila roon sa Beersheba, bumalik si Abimelec at si Picol sa lupain ng mga Filisteo.
33 Nagtanim si Abraham ng isang punongkahoy na tamarisko roon sa Beersheba at sumamba siya sa Panginoon, ang Dios na walang hanggan.
34 Nanirahan si Abraham sa lupain ng mga Filisteo sa mahabang panahon.